"data-elfsight-app-lazy>>

Thursday, December 5, 2024

Sulatin no. 1 - Karanasan Para sa Tagumpay

         


        Sa mundo na puno ng maraming pagsubok. Bilang isang mag-aaral ay marami akong layunin sa buhay kung bakit gusto ko makapagtapos ng pag -aaral. Layunin ko ay maging matagumpay na indibidwal at magkaroon ng marangal na trabaho. Isa pang layunin ko sa buhay ay makabawi sa mga pagsasakripisyo ng aking mga magulang. Simula noong mga bata pa kami hanggang sa kami ay maging binata na. Kaya bilang isang kabataan na maraming pangarap sa buhay, malaking kahalagahan sa akin ang makapagtapos ng pag-aaral.

        Sa kabila ng pagsubok sa aking pag-aaral, nagkaroon ako ng mga kaibigan na nagsisilbing mga gabay at mga naging kapatid ko sa loob ng silid-aralan. Sa loob ng ilang buwan na puno ng kasiyahan at lungkot, hindi ito naging hadlang sa amin para magkawatak-watak at para maging isang pamilya. Ang aming guro na nagsisilbing pangalawang magulang na nagturo sa amin na maging mabuting mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Sa mahabang paglalakbay ng aking pag-aaral, ninais kong maging isang matagumpay na  Engineer. Hindi lamang upang makuha ko ang aking pangarap, ito ay isang layunin upang maiahon at mabigyan ko ang aking pamilya ng isang magandang bukas. 

        Sa huli, lahat tayo ay may pangarap sa buhay. May mga pangarap tayo na nais nating makamit at maging matagumpay sa buhay para sa ating kinabukasan. Ang mga pagsubok at problema na naranasan natin sa ating pag-aaral ay ang magsisilbing aral sa atin upang bumangon at magpatuloy sa buhay. dahil alam natin,  na kapag tayo  ay nagtiyaga ay mayroon itong magandang bunga para sa atin.