Sa di inaasahan na pangyayari sa lugar ng Manggahan, Pasig. May isang ina ang inabutan ng kaniyang panganganak sa kanilang bahay at isinilang ito, siya ay si Kian Mark C. Dela Cruz. Isang malusog at masayahin na bata at 17 taong gulang na ang pangarap sa buhay ay maging isang inhinyero balang araw at makapagtapos ng pag - aaral. Sa pagtungo niya sa Senior High School, kinuha nya ang strand na STEM upang makamit ang pangarap niya na maging isang Inhinyero. Lumaki si Kian na maraming kaibigan at may masayahang pamilya.
Maraming pangyayari ang naganap sakanya bata pa lamang siya. Sa paghihiway ng kaniyang mga magulang, siya ay nanatili pansamantala sa kaniyang ama na kung saan sila ay pumunta sa trabaho nito sa Imus, Cavite, ngunit sa pagpunta nila sa Taytay ay dumating ang kaniyang ina kung saan kinuha siya nito at nanirahan sa Pasig, kung saan nandito ang aking lola at kapatid. Sa kanyang pag-aaral, nagkaroon siya ng maraming kaibigan kung saan ito ay malaking tulong sakanya para mas maging focus sa pag aaral. Dahil sa kakulangan din sa budget, naisipan niya na mag apply sa scholar para makatulong kahit paano sa mga gastusin sa kanilang bahay. Nagsisimba rin ito sa church malapit sakanila kung saan nagustuhan niya ang pagdadrums at ninais niya maging isang drummer sa kanilang simbahan at nag eensayo para mahasa niya ang kaniyang abilidad at makatugtog para sa kanilang simbahan. Ngayon ay kumakanta na rin ito sa kanilang simbahan at tumutulong dito.
Sa mga pagsubok at pinagdaanan niya sa kaniyang buhay, hindi ito hadlang para siya ay tumigil sa pangarap niya na magkaroon ng maayos na trabaho, makapagtapos sa pag aaral at ang maiahon ang kaniyang pamilya sa magandang buhay. Naniniwala rin siya na ang kaniyang pagsusumikap at gabay ng mga nasa paligid niya ay masusuklian ng mas maayos at magandang kinabukasan para sa kaniya.
No comments:
Post a Comment