Ipinapahiwatig ng kanta na may pamagat na "anak" na isinulat ni Freddie Aguilar ay ang mga paghadlang na ginagawa ng isang bat sa kaniyang mga magulang. Ngunit, ang gusto lang ng kaniyang mga magulang ay ang mapunta siya sa maayos na pamumuhay at magkaroon ng magandang kinabukasan. Bilang isang magulang ay alam nila ang mas makakabuti sa kanilang anak kaya ginagawa nila ang kanilang makakaya at maiahon ang kanilang anak sa magandang estado ng buhay.
Iniisip ng bata na maging malaya sa paraan na gusto niya, ngunit sa huli ay nalaman niya na mali ang kaniyang mga desisyon sa buhay at nakinig na lamang sa mga payo ng kaniyang mga magulang, hindi niya alam na ang mga desisyon nya sa buhay ay kailangan nya parin ang kaniyang magulang para magkaroon ng maayos na trabaho, masayang buhay at magandang kinabukasan.
Sa huli, ang ating mga magulang ang nagsisilbing tulay para sa ating sarili. Sila ang gumagabay sa atin upang maging mabuting tao at pahalagahan natin ang kanilang mga itinuturo habang tayo ay mga bata pa lamang dahil sa huli ay dadalhin din natin ito sa ating pagtanda at magpapasalamat tayo sakanila dahil ginabayan nila tayo at binigyan ng magandang buhay at nagkaroon tayo ng mapagmahal na mga magulang.
No comments:
Post a Comment