Ang ipinapahiwatig ng kasabihan na ito ay kung hindi para sa iyo, hindi ito mangyayari. Maaaring ito ay maging negatibong epekto sa iyo kaya hindi mo nakuha. Ngunit, hindi ibig sabihin na hindi mo agad nakuha ang isang bagay na gusto mong makamit ay hindi na ito ipagkakaloob sayo, sa bawat nais natin ay may mga proseso o pagsubok na ibinibigay sa atin para makuha natin ang isang bagay. Sa ating buhay ay may mga plano tayo na nais nating makamtan, ngunit may pagkakataon na hindi natin ito makamit dahil hindi ito nakalaan para sa atin.
Kung hindi man natin makuha ang isang bagay ay mayroong posibilidad na may mas maganda pang plano ang Diyos sa ating buhay at hindi nya lamang ito agad tinutupad dahil hindi pa ito ang tamang panahon. Naniniwala ako na sa bawat tagumpay natin sa ating buhay ay pinaghirapan natin ito ng may dedikasyon at pagtitiyaga para makamit ang isang bagay na gusto natin. Halimbawa, nais mong maging isang inhinyero kaya kailangan mong magsumikap at makapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon ng trabaho na ito.
Sa buhay, hindi lahat ng pagkakataon ay maibibigay sa atin ang ating mga gusto, katulad na lamang nung tayo ay mga bata pa, humihingi tayo sa ating magulang o nagtuturo ng mga bagay na gusto natin ngunit hindi nila agad nabibigay iyon dahil wala pa silang pera at sasabihin nila sa atin na kapag nagkapera na sila ay maibibigay nila ito. Ganon din sa buhay, mayroon tayong pagdadaanan na mga pagsubok upang tayo ay maging isang matagumpay na individual at makamit ang ating mga mithiin at magkaroon ng magandang kinabukasan.
No comments:
Post a Comment