"data-elfsight-app-lazy>>

Saturday, January 18, 2025

Sulatin no. 6 - Ang Iyong Pinagdadaanan ay Tiyak na Malalagpasan


      Ang aking nakuhang kasabihan ay "Ang buhay ay parang saranggola kailangang hawakan ng maayos para hindi hindi lumipad kung saan-saan." Isinasaad sa kasabihan na ito ay ang ating mararating sa buhay kapag tayo ay nasa tamang landas na ating tinatahak sa buhay, normal na sa ating buhay ang magkaroon ng pagsubok dahil kasama ito sa ating pagdadaanan upang umunlad ang ating pagkatao at bilang isang indibidwal na maraming pangarap sa buhay. Hindi madali ang isang landas na ating tinatahak dahil maraming pagsubok ang nakaabang para sa atin, pero hindi pa ito huli para sumuko sa buhay. 


       Isa sa mga pagsubok na aking kinakaharap ay ang pumili ng aking magiging trabaho sa kapag ako ay nakapagtapos na. Maraming akong gustong pagpilian katulad ng Mechanical Engineer, Civil Engineer o Seaman. Alam ko na malaki ang sahod ng mga trabaho na ito lalo na ang maging isang seaman, pero para sa akin ay gusto ko talaga maging isang Civil Engineer dahil sa gusto ko makapagpagawa ng bahay para sa aking mga magulang at makabawi sa kanila, Isang malaking pagsubok ito pero nalagpasan ko rin dahil naging buo ang aking desisyon na iyon na lamang ang piliin na maging trabaho kapag ako ay nakapagtapos na.

    Bawat tao ay may mga pangarap sa buhay, gusto natin maging isang matagumpay na indibidwal para magkaroon ng magandang trabaho, makatulong sa ating magulang at umasenso sa buhay. Katulad ng isang saranggola, mawawala ito sa landas kapag ito ay iyong binitawan o hindj mo hinigpitan ang paghawak dito, kaya pumili tayo ng landas na makakabuti sa atin.

No comments:

Post a Comment